PNP at Komunidad, nagkaisa sa brigada para sa pagtatayo ng silid-aralan sa Benguet
Nagsagawa ng makabuluhang brigada ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) noong Marso 18, 2026, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa Sitio Mocgao, Badeo, Kibungan, Benguet.
Pinangunahan ang aktibidad ni PLt Sandy A. Caoile sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Marvie C. Amilao, Force Commander ng Benguet 2nd Mobile Force Company, katuwang ang mga magulang, guro, at mga miyembro ng Parent-Teacher Association (PTA) upang mapabilis ang pagpapatayo ng gusaling pang-edukasyon sa lugar.

Sa naturang gawain, sama-samang isinagawa ng mga kalahok ang pagbubuhat ng buhangin, paghahalo at pagbuhos ng semento para sa mga poste, at paghahanda ng lugar na pagtatayuan ng gusali. Layunin ng aktibidad na mapabilis ang konstruksyon ng PTA school building, na magsisilbing mahalagang pasilidad para sa mga mag-aaral sa komunidad.
Ayon sa pulisya, ang inisyatibong ito ay hindi lamang nakatulong sa pagpapabuti ng imprastraktura ng paaralan, kundi nagpatibay din sa ugnayan ng Philippine National Police (PNP) sa mga paaralan, pamilya, at komunidad. Ipinapakita rin nito ang patuloy na dedikasyon ng kapulisan sa paglilingkod-bayan at aktibong pakikibahagi sa nation-building.
Source: Benguet 2nd Mobile Force Company