Coastal Clean-Up Drive, muling umarangkada sa Siquijor

0
viber_image_2026-03-21_09-50-30-165

Muling umarangkada ang Coastal Clean-Up Drive na tulong-tulong na isinakatuparan ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan sa Barangay Calalinan, Siquijor nito lamang umaga ng March 20, 2026.

Sinimulang isinagawa ang aktibidad dakong alas 6 ng umaga sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG) – Siquijor katuwang ang iba’t ibang mga partner agencies at stakeholders, kabilang na ang Siquijor Police Provincial Office, Bureau of Fire Protection (BFP), PCG Auxiliary, at maging ng mga local barangay officials.

Ang nasabing inisyatibo ay sumasalamin sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng mga ahensya at komunidad upang lutasin ang anumang suliranin sa ating mga pamayanan.

Matagumpay na nakakolekta ang grupo ng nasa 15 sako ng mga basura kung saan karamihan dito ay mga rubber, styrofoam, plastic, at mga bote.

Natapos ang aktibidad ng may panibagong responsibilidad sa bawat isa partikular na sa lahat ng mga residente ng nasabing lugar na maging responsable sa kanilang mga basura upang mapangalagaan ang ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *