Selebrasyon ng Eid’ul Fitr, mapayapang idinaos sa Antique

0
viber_image_2026-03-22_10-17-44-453

Mapayapang dinaos ang selebrasyon ng Eid’ul Fitr ng ating mga Muslim brothers sa lalawigan ng Antique kasama ang ilang mga tauhan ng Antique Police Provincial Office (AntPPO) na nakiisa rin sa pagtitipon kahapon lamang, March 21, 2026.

Kasabay ng selebrasyon, nagkaroon ng makabuluhang dayalogo sa pagitan ng pulisya at ng mga Muslim elders sa lalawigan kung saan tinalakay ang pagpapatibay ng respeto at pag-unawa sa pagitan ng pulisya at ng mga miyembro ng pamayanan bilang pundasyon sa maayos at mapayapang komunidad.

Tiniyak naman ng pulisya katuwang ang buong suporta ng Muslim community ang epektibo at patuloy na pakikipagtulungan upang panatilihin ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa lalawigan.

Namahagi naman ang mga awtoridad ng flyers kaugnay sa iba’t ibang mga crime prevention tips habang ipinapatupad ang heightened police visibility upang matiyak ang mapayapang selebrasyon.

“We believe that a safer Antique starts with a strong connection between the police and the people. To our Muslim community: Eid Mubarak! May this day bring you and your families abundant joy and peace,” pahayag pa ng Antique PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *