Lokal na komunidad kasama ang mga awtoridad, naglunsad ng Coastal Clean-UP sa Antique
Nagkaisang muli ang mga lokal na residente katuwang ang mga awtoridad sa paglulunsad ng Coastal Clean-UP sa baybaying bahagi ng Barangay 4 at Barangay 8 sa San Jose de Buenavista, Antique.

Ang aktibidad ay bilang pagtalima sa Provincial Ordinance No. 2015-115 (The Coastal, Rivers, Creeks and Waterways Clean-up Ordinance of the Province of Antique) na may layuning paigtingin ang pangangalaga sa ating mga kalikasan para sa susunod pang mga henerasyon.
Tulong-tulong ang grupo sa paglinis ng mga basura sa tabing dagat dala-dala ang kani-kanilang mga panlinis at basurahan.

Nagtapos ang aktibidad ng may kasiyahan ang bawat isa sapagkat naibalik ang kalinisan at natural na ganda ng nasabing mga dalampasigan.
Hinimok naman ng mga awtoridad ang mga residente na ugaliing maging responsable sa kanilang mga basura at dumi upang tuloy-tuloy na matiyak ang malinis at magandang mga baybayin.