“Short Dialogue/Pulong-Pulong,” isinagawa ng mga awtoridad sa Siaton, Negros Oriental
Matagumpay na nakiisa ang mga residente ng Poblacion, Siaton, Negros Oriental sa inilunsad na Short Dialogue/Pulong-Pulong ng mga awtoridad nito lamang hapon ng April 12, 2026.
Ang programa ay pinangunahan ng mga tauhan ng 4th Mobile Platoon ng 1st Negros Oriental Provincial Mobile Force Comany sa pangunguna ni PEMS Jonathan Rubio, Senior Platoon PNCO sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLTCOL BONIFACIO S TECSON, Force Commander.

Kabilang sa mga tinalakay ng nasabing dialogue/lecture ang nga usaping may kaugnayan sa Anti-Terrorism Awareness, Anti-Illegal Drugs at Crime Prevention Safety Tips. Nagbigay rin ng mahahalagang impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa activation ng Unified Emergency Hotline Number 911 para sa publiko sa panahon ng emergency at anumang sakuna.
Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang ugnayan ng pulisya at ng mga residente upang matiyak ang pagkakaisa sa pagbibigay ng mga solusyon sa programang pangkapayapaan at pangkaayusan.
Pinagtibay naman ng mga dumalong indibidwal ang kanilang suporta sa mga awtoridad upang matiyak ang ligtas at payapang komunidad hindi lamang sa bayan ng Siaton kundi pati sa buong lalawigan ng Negros Oriental.