Short Dialogue/Pulong-pulong, patuloy na inilunsad sa Bayawan City, Negros Oriental
Patuloy na naglunsad ng Short Dialogue/Pulong-pulong ang mga awtoridad sa iba’t ibang mga residente sa Sitio Dayhagan, Brgy. Tayawan, Bayawan City, Negros Oriental kaugnay sa mga mahahalagang usapin sa komunidad nito lamang April 19, 2026.
Nanguna sa nasabing inisyatib ang mga tauhan ng Revitalized–P.ulis Sa Barangay (R-PSB) Team ng 1st Provincial Mobile Force Company na pinangunahan ni PMSg Edelino G Ege sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL BONIFACIO S TECSON, Force Commander.
Tinalakay ng grupo ang mga usaping mayvm kaugnayan sa Anti-Terrorism Awareness at mga Crime Prevention Safety Tips sa nasabing mga residente.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kampanya ng pamahalaan upang bigyan ng sapat na ideya ang lahat ng mamamayan upang labanan ang mga maling ideolohiya na kadalasang idinudulot ng mga makakaliwang grupo.
Bukod pa rito nais din ng mga awtoridad na mapalakas pa ang kooperasyon mg mamamayan at pulisya upang bigyang solusyon ang iba’t ibang suliranin ng nasabing lugar partikular na sa usaping pangkapayapaan at seguridad.