Blood Donation Drive, inilunsad ng New Buswang Barangay Council sa Kalibo, Aklan

0
viber_image_2026-04-19_13-06-17-637

Matagumpay na inilunsad ng New Buswang Barangay Council sa Kalibo, Aklan ang isang Blood Donation Drive na ginanap nito lamang umaga ng April 17, 2026 sa New Buswang Multi-Purpose Pavement.

Layunin ng programa na tinaguriang “Dugo Ko, Kabuhi Mo”, na magkaroon ng pagkakaisa sa buong komunidad sa paghahatid ng tulong sa pamamagitan ng mga donasyong dugo para sa mga mas nangangailangang pasyente sa lalawigan ng Aklan.

Nakiisa sa aktibidad ang iba’t ibang miyembro mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad maging ang ating mga kapulisan sa lalawigan, na boluntaryong nagdonate ng dugo para sa programa.

Nanguna sa pagdonate ng libreng dugo ang mga tauhan ng 1st Aklan PMFC kung saan nagdonate ang kapulisan kasama ang iba pang mga donor na nakiisa rin sa naturang donation drive.

Dahil sa inisyatiba, mas nagkaroon pa ng karagdagang supply ng dugo sa lalawigan na tiyak na makakatulong sa mga mas nangangailangang mamamayan ng probinsya ng Aklan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *