PNP-Laoag at komunidad, nagsanib-puwersa sa coastal clean-up drive

0
viber_image_2026-04-19_13-06-07-529

Pinangunahan ng Laoag City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Ryan M. Retotar, OIC, ang isang coastal clean-up drive sa Barangay 35, Gabu Sur, Laoag City bilang bahagi ng programang “HEPE SA KOMUNIDAD: Serbisyong May Puso.” Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng baybayin at maprotektahan ang kalikasan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng komunidad at kapulisan.

Nakibahagi sa inisyatiba ang mga opisyal ng barangay, Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs), at ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo–Laoag City Chapter na pinamumunuan ni Julius Hapa. Sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, mas naging organisado at epektibo ang paglilinis sa baybayin.

Sama-samang naglinis ang mga kalahok sa dalampasigan, kung saan tinipon at maayos na itinapon ang mga basura upang maiwasan ang polusyon sa dagat.

Ayon sa PNP Laoag City, ang ganitong mga aktibidad ay hindi lamang nakatuon sa kalinisan ng kapaligiran kundi nagpapatibay rin ng ugnayan at tiwala ng pulisya at komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na naitataguyod ang layunin ng isang ligtas, malinis, at responsableng pamayanan.

Source: Laoag CPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *