Barangay Visitation at Dialogue, isinakatuparan ng kapulisan sa Pambujan, Northern Samar
Nagsagawa ng Barangay Visitation at Dialogue ang mga tauhan ng 2nd NSPMFC sa pangunguna ni PSSg Rodel L Labine, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL EDWIN M OLOAN JR., Force Commander, sa mga Barangay Officials ng Brgy Poblacion 1 sa bayan ng Pambujan, Northern Samar, ngayong araw April 18, 2026.

Nakipag-usap ang mga awtoridad sa mga lokal na opisyl upang talakayin ang mga mahahalagang usapin sa kanilang komunidad kabilang na rito ang pagtiyak sa kaligtasan ng publiko, mga crime prevention strategies, at ang pagtiyak ng ugnayan sa pagitan ng mga opisyal at ng kapulisan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Layon ng programa na pagtibayin pa ang kooperasyon ng buong komunidad sa pangunguna ng kanilang mga lokal na opisyal sa paglutas ng nga suliranin at isyu ng nasabing barangay.

Tiniya naman ng mga barangay officials ang kanilang buong suporta sa mga awtoridad at sa programa ng pamahalaan partikular na sa pagkakaroon ng progresibong mga komunidad kung saan malayo sa takot at gulo na sanhi ng krimen at terorismo.