Mga kabataan, nakiisa sa Pulong-Pulong sa Bayawan City, Negros Oriental
Nakiisa ang ilang mga kabataan mula sa Purok III, Brgy. Tayawan, Bayawan City, Negros Oriental sa isinagawang Pulong-Pulong ng mga awtoridad nito lamang umaga ng May 4, 2026.
Nanguna sa nasabing Pukong-Pulong ang mga tauhan ng Revitalized–Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team ng 1st Provincial Mobile Force Company sa pamamagitan ni PMSg Edelino G Ege sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLTCOL BONIFACIO S TECSON, Force Commander.
Nagsagawa ang grupo ng short dialogue/ pulong-pulong kaugnay sa mga mahahalagang usaping pang-komunidad.
Kabilang sa mga tinalakay ng grupo ang usapin na may kaugnayan sa Anti-Terrorism Awareness at Crime Prevention Safety Tips.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ng matibay na pundasyon ang nasabing mga komunidad upang labanan ang anumang mga propaganda ng mga grupong naghahasik ng terorismo maging ang pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon kaugnay sa mga ilegal na aktibidad na nagaganap sa nasabing lugar.