SPAG at Balamban PNP, nanguna sa salaam activity at livelihood program sa Brgy. Arpili, Balamban
Nagsagawa ang Balamban Municipal Police Station (MPS) katuwang ang SALAAM Advocacy Police Group (SPAG) ng SALAAM Activity, Drug Awareness, Anti-Terrorism Symposium, gayundin ng Soap Making at Liquid Dishwashing Livelihood Program noong Mayo 22, 2026 sa Covered Court ng Barangay Arpili, Balamban, Cebu.
Pinangunahan ni PCpl Jennibeth F. Antabo, PCR PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Ian T Macatangay, OIC ng Balamban MPS, ang aktibidad kasama ang mga summer job students, barangay officials, BHW, at BPSO ng barangay.
Tinalakay sa symposium ang anti-illegal drugs, anti-terrorism awareness, at kahalagahan ng pagkakaisa sa komunidad kabilang ang pagrespeto sa ating mga kapatid na Muslim.
Nagkaroon din ng livelihood training kung saan itinuro sa mga kalahok ang paggawa ng powdered soap at liquid dishwashing detergent bilang alternatibong pagkakakitaan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pagpapalawak ng kaalaman, pagkakaisa, at pagbibigay ng dagdag kabuhayan sa mga residente ng Barangay Arpili.