SK officials ng Brgy. Tiblac, lumahok sa anti-illegal drug awareness lecture

0
viber_image_2026-05-31_12-18-07-804

Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Tiblac, Ambaguio, Nueva Vizcaya Matagumpay sa isang Anti-Illegal Drug Awareness Lecture na isinagawa sa gymnasium ng nasabing barangay noong ika-28 ng Mayo, 2026.

Pinangunahan ni Patrolman Christian Rafael L. Calalung, Team Member ng 4th Maneuver Platoon, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company, Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ang nasabing lecture.

Tinalakay sa aktibidad ang Anti-Illegal Drug Awareness at ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ipinaliwanag din ang masasamang epekto ng ilegal na droga sa kalusugan at lipunan, gayundin ang mga kaukulang parusa at pananagutang kaakibat ng mga paglabag sa batas. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at bilang mga tagapagtaguyod ng isang drug-free na komunidad.

Layunin ng aktibidad na mapataas ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa masamang epekto ng ilegal na droga, mahikayat ang kanilang aktibong pakikilahok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at maisulong ang isang ligtas, disiplinado, at drug-free na komunidad.

Source: PNP 1st Nueva Vizcaya PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *