Pagkakaisa ng pamahalaan at komounidad, nagbunga ng makabuluhang proyekto sa NIR
Matagumpay na isinagawa ang Turn Over at Ribbon Cutting Ceremony ng Building Project ng 1st Maneuver Platoon, 2nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion–Negros Island Region (RMFB-NIR) noong Mayo 29, 2026 sa Calatrava, Negros Occidental.
Ang bagong gusali ay hindi lamang isang imprastraktura kundi isang matibay na simbolo ng pagtutulungan, dedikasyon, at malasakit ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor ng komunidad para sa mas ligtas at mas maunlad na kinabukasan.
Naging susi sa tagumpay ng proyekto ang walang sawang suporta at pamumuno ni Municipal Mayor Hon. Marilyn A. Era, na patuloy na nagsusulong ng mga programang naglalayong palakasin ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran sa bayan ng Calatrava. Sa pamamagitan ng kanyang malasakit, naging posible ang pagsasakatuparan ng proyektong magbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga kapulisan na nagsisilbi at nagpoprotekta sa mamamayan.
Hindi rin matatawaran ang napakahalagang ambag ng mga mapagbigay na donors, stakeholders, partner-agencies, at mga indibidwal na nagkaisa upang suportahan ang proyekto. Ang kanilang pagtitiwala at malasakit ay nagpatunay na kapag nagsama-sama ang pamahalaan at komunidad, mas marami pang makabuluhang layunin ang maaaring makamit.
Sa ginanap na seremonya, ipinagdiwang ng mga opisyal, panauhin, at mga kasapi ng RMFB-NIR ang matagumpay na pagkumpleto ng proyekto na magsisilbing inspirasyon ng serbisyo, katatagan, at pagkakaisa.
Higit pa sa konkretong estruktura, ito ay isang sagisag ng matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan, kapulisan, at mamamayan isang pundasyon tungo sa mas maliwanag, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan para sa bayan ng Calatrava.
Sa pagkakaisang ito, muling pinatunayan na ang bawat ambag, gaano man kaliit o kalaki, ay may mahalagang papel sa pagbuo ng isang mas matatag at progresibong komunidad.