BADAC ng Brgy Sinapangan Sur, pinalakas para sa drug-free at ligtas na komunidad
Isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Brgy. Sinapangan Sur at ng PNP Balaoan noong Mayo 28, 2026 upang higit na mapalakas ang kampanya laban sa iligal na droga, kriminalidad, at iba pang banta sa seguridad ng komunidad.
Pinangunahan ni Hon. Marie Rose O. Valdez, BADAC Chairperson ng Brgy. Sinapangan Sur, ang paglagda sa kasunduan na naglalayong paigtingin ang koordinasyon at pagtutulungan ng barangay at kapulisan sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Sa pamamagitan ng naturang kasunduan, muling pinagtibay ng BADAC ang kanilang mahalagang papel sa pangunguna ng mga hakbang laban sa ilegal na droga sa komunidad, kabilang ang pagsasagawa ng mga information and education campaign, pakikipag-ugnayan sa mga residente, at pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan at kapulisan na nagtataguyod ng ligtas at maayos na pamayanan.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang PNP Balaoan sa mga inisyatiba ng BADAC upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga programa laban sa droga at iba pang uri ng kriminalidad. Binigyang-diin ng magkabilang panig ang kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Ang paglagda sa Memorandum of Understanding ay sumasalamin sa matibay na pangako ng BADAC ng Brgy. Sinapangan Sur at ng PNP Balaoan na magtulungan sa pagbuo ng isang mas ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad para sa kapakinabangan ng lahat ng mamamayan.
Source: Balaoan MPS