Balik Eswkela Program, inilunsad ng mga kasapi ng Felix G. Yusay Foundation Inc sa Bacolod City

0
viber_image_2026-06-01_10-05-32-431

Nagsagawa ng Balik Eskwela Program ang mga miyembro ng Felix G. Yusay Foundation Inc nito lamang ika – 26 ng Mayo 2026 sa Barangay Banago, Bacolod City.

Sa pamamagitan ng programang “Balik Eskwela” ng Felix G. Yusay Foundation Inc., nabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral ng Barangay Banago, na nagbibigay sa kanila ng dagdag na inspirasyon sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.

Pinangunahan ng Barangay Council sa ilalim ni Punong Barangay Kap. Baldo Arnel Benjamin, katuwang ang Revitalized Police Sa Barangay (RPSB) sa pangunguna ni PCPL Ryjohn Alberio at ang Philippine Air Force TOG 6, ang matagumpay na pagsasakatuparan ng makabuluhang programang ito kung saan ipinapakita anv kahalagahan ng pagkakaisa ng pribadong sektor, lokal na pamahalaan, kapulisan, at sandatahang lakas sa paghahatid ng makabuluhang serbisyo sa mamamayan.

Ang matagumpay na programang ito ay isang patunay na kapag nagsama-sama ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan at mga organisasyong may malasakit, mas marami ang mabibigyan ng pagkakataon at pag-asa.

Ito ay nagsisilbing inspirasyon na ang tunay na pag-unlad ng isang komunidad ay nakasalalay sa pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang hangaring mapabuti ang buhay ng bawat mamamayan, lalo na ng mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *