Capabality Building Training ng BPATs, isinagawa sa Sudipen, La Union
Bilang pagpapatibay ng kapayapaan, kaayusan, at kahandaan ng mga barangay sa pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon, matagumpay na isinagawa ang unang araw ng “Capability Building Training: Strengthening Public Safety, Disaster Preparedness and Emergency Response” para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Sudipen.
Idinaos ang pagsasanay sa MAOB Hall sa pangunguna ng mga tauhan ng Sudipen Municipal Police Station sa pamumuno ni PCpt Roy K. Toyoken Jr., Officer-in-Charge, noong Hulyo 7, 2026.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga BPAT sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, paghahanda sa panahon ng kalamidad, at agarang pagtugon sa mga emerhensiya. Bahagi rin ito ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng pulisya, lokal na pamahalaan, at mga barangay upang makapaghatid ng mas mahusay na serbisyo sa publiko.
Sa pamamagitan ng mga talakayan at praktikal na pagsasanay, inaasahang magiging mas handa ang mga BPAT sa pagharap sa iba’t ibang hamon sa kanilang mga komunidad at maisasabuhay ang mga natutunang kaalaman sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin bilang mga katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan.
Source :LGU Sudipen