School shooting incident simulation exercise (SIMEX), isinakatuparan sa IDS College

0
viber_image_2026-07-10_12-24-20-806

Netong Hulyo 8, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang sa crime prevention at pagpapatibay ng kahandaan sa panahon ng emerhensiya, nagsagawa ang mga awtoridad ng Ligao City Police Station sa pangunguna ni PCPT ELTON J DEL VALLE, Duty Officer of the Day sa ilalim ng Pamumuno ni PLTCOL DANNY B BAYTEC, COP ng School Shooting Incident Simulation Exercise (SIMEX) sa loob ng IDS College, Brgy. Dunao, Ligao City.

Layunin ng isinagawang simulation exercise na mapahusay ang kahandaan ng mga pulis, guro, kawani, at mga mag-aaral sa tamang pagtugon sakaling magkaroon ng insidente ng karahasan sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan ng makatotohanang pagsasanay, naipakita ang wastong koordinasyon, mabilis na pagresponde, epektibong komunikasyon, at tamang pagpapatupad ng mga itinakdang safety at security protocols.

Ang aktibidad ay nagsilbing mahalagang hakbang upang mapalawak ang kaalaman ng komunidad ng paaralan sa mga tamang pamamaraan ng paglikas, pagprotekta sa sarili, at pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa panahon ng krisis.

Patuloy na naninindigan ang Ligao City Police Station sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pagbibigay ng ligtas at panatag na kapaligiran sa lahat ng mga paaralan sa lungsod sa pamamagitan ng mas pinaigting na kampanya sa crime prevention at paghahanda sa anumang uri ng emerhensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *