PNP Santa Ignacia, Nagbigay seguridad at kaayusan sa Nambalan Elementary School

0
Screenshot-2026-07-11-151615

Nagsagawa ng police visibility at traffic assistance ang mga tauhan ng kapulisan sa Nambalan Elementary School upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan. Pinangunahan ang aktibidad ni PMSg Junas Abalos, Investigator, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs), sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Geoffrey V. Enrado, Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan sa paligid ng paaralan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng presensya ng pulisya at maayos na pamamahala sa daloy ng trapiko, lalo na sa oras ng pagpasok at pag-uwi ng mga mag-aaral.

Patuloy na isinusulong ng Philippine National Police ang mga programang nakatuon sa kaligtasan ng komunidad at pagpapaigting ng ugnayan sa mga paaralan upang matiyak ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *