OLCFI MIMAROPA, Naghatid ng saya at inspirasyon sa mga batang Young Eco-Warriors

0
Screenshot-2026-07-11-150813

Naghatid ng saya at inspirasyon ang PNP Officers’ Ladies Club Foundation, Inc. (OLCFI) MIMAROPA Chapter sa mga mag-aaral ng Young Eco-Warriors Child Development Center (YEWCDC) sa isinagawang outreach activity sa Camp BGen Efigenio C. Navarro sa Calapan City noong Hulyo 10.

Pinangunahan ng OLCFI MIMAROPA Chapter sa pamumuno ng Adviser na si Mrs. Bing Ethel A. Dela Cruz at ng Pangulo nitong si Mrs. Minerva M. Luci, katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), ang pamamahagi ng mga school supplies, salu-salo, at iba’t ibang palaro para sa mga bata. Layunin ng aktibidad na magbigay ng makabuluhang karanasan na magpapalalim sa kanilang pagkatuto, tiwala sa sarili, at pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng masaya at interaktibong mga gawain.

Ayon sa OLCFI MIMAROPA Chapter, patuloy itong nagsasagawa ng mga programang pangkomunidad na naglalayong suportahan ang pag-unlad ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang katuwang na organisasyon, umaasa ang samahan na makapagbibigay ng inspirasyon at positibong pagbabago sa buhay ng mga batang Young Eco-Warriors.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng adhikain ng Philippine National Police na isulong ang temang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *