Drug Symposium, isinagawa para sa mga mag-aaral sa Pinamungajan, Cebu

0
viber_image_2026-07-23_12-46-37-309

Nagsagawa ang Pinamungajan Municipal Police Station ng Drug Symposium para sa mga mag-aaral sa Puno Elementary School, Pinamungajan, Cebu noong Hulyo 21, 2026.

Pinangunahan ni PCpt Michael John Bañes, Officer-in-Charge ng Pinamungajan MPS ang aktibidad upang palawakin ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga at hikayatin silang mamuhay nang responsable at malayo sa bisyo.

Sa isinagawang talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikiisa ng kabataan sa pagpapanatili ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad.

Patuloy ang Pinamungajan MPS sa pagsasagawa ng mga information and awareness campaign katuwang ang mga paaralan upang maisulong ang responsableng mamamayan at mas matatag na ugnayan ng pulisya at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *