2nd ZCMFC, Nagsagawa ng School-Based Outreach Program
Pinaigting ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company sa pamumuno ni PLTCOL JOEL A SENOGAT Jr, Force Commander ang ugnayan sa kabataan sa pamamagitan ng isinagawang School-Based Outreach Program, na naglalayong palakasin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng mabuting pagpapahalaga, disiplina, at pagiging responsableng mamamayan.
Sa pamamagitan ng programa, patuloy na hinihikayat ang mga mag-aaral na maging responsable, maalam, at matatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Layunin din nitong palakasin ang ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan, paaralan, at komunidad para sa pagbuo ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa kabataan.

Sa sama-samang pagkilos ng kapulisan at komunidad, patuloy na sinusuportahan ang paghubog sa mga kabataan bilang responsable, may kamalayan, at matatag na mga lider ng kinabukasan.