Information Drive, Isinagawa sa San Vicente, Ilocos Sur
Pinaigting ng mga augmented personnel ng 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company (1st ISPMFC) na nakatalaga sa San Vicente Municipal Police Station (MPS) ang kanilang kampanya laban sa krimen sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dayalogo para sa mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa San Vicente, Ilocos Sur.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga mahahalagang kaalaman hinggil sa pag-iwas at pagsugpo sa krimen, cybersecurity awareness, illegal drug awareness, at mga usaping may kaugnayan sa anti-terrorism bilang suporta sa programa ng Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC).
Samantala, nagsagawa rin ng police presence ang mga tauhan sa harapan ng San Sebastian Barangay Hall sa Barangay San Sebastian upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lugar. Layunin ng mga hakbang na ito na maagapan ang anumang uri ng kriminalidad at iba pang insidente, gayundin ang higit pang mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad tungo sa isang ligtas at mapayapang San Vicente.