Muntinlupa CPS, Nagsagawa ng Community Outreach sa Poblacion
Nagsagawa ng community outreach activity ang Muntinlupa City Police Station sa pangunguna ni Acting Chief of Police PCOL Olivia C. Ancheta, ngayong Hulyo 27, 2026, sa Magdaong Drive, Barangay Poblacion, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month.

Pinangunahan ng Station Community Affairs Section (SCAS) sa ilalim ni PMAJ Rolando O. Ty, katuwang ang Poblacion Police Sub-Station 6, ang aktibidad na naglalayong mailapit ang serbisyo ng pulisya sa komunidad at mapalakas ang tiwala, ugnayan, at kooperasyon ng pulis at mamamayan.

Sa isinagawang aktibidad, nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga residente, nagbahagi ng impormasyon ukol sa kaligtasan at crime prevention, at nagbigay ng kinakailangang tulong bilang pagpapakita ng PNP ng malasakit at dedikasyon sa people-centered policing at serbisyo publiko.