1st PMFC sa Candelaria, pinaigting ang police visibility at traffic assistance
Nagsagawa ng police visibility at traffic assistance ang mga tauhan ng Zambales 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) sa pakikipag-ugnayan sa Traffic Management Group (TMG) Candelaria noong Nobyembre 22, 2026, upang mapalakas ang presensya ng kapulisan, maisulong ang kaligtasan sa kalsada, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Pinangunahan ni PLTCOL PAUL VINCENT B. CAMARCE, Force Commander ng 1st PMFC, ang naturang inisyatiba na naglalayong matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian sa pamamagitan ng aktibong pagbabantay at pagbibigay ng tulong sa daloy ng trapiko.

Ipinapakita ng aktibidad ang patuloy na pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at mga katuwang na yunit sa pagpapatupad ng mga hakbangin para sa kaligtasan ng publiko at maagap na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.