Malinao MPS, nakibahagi sa BADAC Meeting para palakasin ang kampanya kontra ilegal na droga
Nakibahagi ang Malinao Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PLT Delia B. Cargullo, Deputy Chief of Police (DCOP), sa isinagawang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Meeting sa Barangay Estancia, Malinao, Albay noong Nobyembre 22, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week 2026.

Pinangunahan ni Punong Barangay Susan B. Nabor ang pulong na tumalakay sa pagiging epektibo at maayos na paggana ng BADAC, mga aktibidad para sa DAPC Week 2026, pagpapatuloy ng mga programa laban sa pag-abuso sa droga, at mga tungkulin at responsibilidad ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) bago, habang at pagkatapos ng mga operasyon kontra ilegal na droga.

Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang pagpapatupad ng mga programa laban sa ilegal na droga, pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay at mga alagad ng batas, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng isang ligtas, mapayapa at drug-free na barangay. Patunay rin ito sa patuloy na suporta ng Malinao MPS sa mga inisyatibang nakabatay sa komunidad upang maiwasan ang paglaganap ng ilegal na droga.