150 mag-aaral sa Sison, Pangasinan, nakatanggap ng tulong mula sa 104th MC, RMFB1 at Binalonan vloggers
Nagdulot ng saya at karagdagang suporta sa 150 mag-aaral ng Camanggaan Elementary School sa Brgy. Camanggaan, Sison, Pangasinan ang isinagawang Community Outreach Program ng 104th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (104th MC, RMFB1), katuwang ang Binalonan Ang Galing Vloggers Association (BAGVA), noong Nobyembre 25, 2026.
Pinangunahan ni PLt Zedrick A. Peredo ang aktibidad sa ilalim ng superbisyon ni PCptRaymond Rhyss T. Walin, Acting Company Commander ng 104th MC, RMFB1. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa mga mag-aaral ang supplemental feeding, libreng gupit, at pamamahagi ng mga tsinelas upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ipinakita ng inisyatibang ito ang patuloy na pakikipagtulungan ng kapulisan at mga organisasyon sa komunidad upang maitaguyod ang kapakanan ng mga kabataan. Bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, patuloy ding nakikibahagi ang PNP sa mga programang nagbibigay ng konkretong tulong at malasakit sa mamamayan.
Sa pamamagitan ng mga gawaing pangkomunidad, pinagtitibay ng 104th MC, RMFB1 ang ugnayan at tiwala ng publiko sa kapulisan, na nagpapakita na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa pagpapatupad ng batas kundi maging sa pagtulong at pag-aalaga sa kapwa.
Source: PNP 104th Maneuver Company, RMFB 1 (https://www.facebook.com/share/p/152dM9PvDEH/)