Sabangan MPS, hinubog ang kakayahan at kamalayan ng 53 kabataan sa ilalim ng MYPD Program
Hinubog ng Sabangan Cops ang kamalayan, kakayahan, at pagpapahalaga sa buhay ng 53 kabataan sa pamamagitan ng tatlong araw na Moving the Youth Towards Peace and Development (MYPD) Program na nagtapos noong Nobyembre 22, 2026, sa Namatec National High School, Namatec, Sabangan, Mountain Province. Layunin ng programa na linangin ang kanilang kakayahan sa pamumuno, pagtutulungan, at paggawa ng mga responsableng desisyon.

Tampok sa programa ang mga talakayan kasama ang mga katuwang na sektor at resource speakers, poster at guidon making, team-building activities, pagpapamalas ng talento, at reflection sessions. Isinagawa rin ang Values Formation Session kasama ang mga magulang upang bigyang-diin ang kahalagahan ng matatag na ugnayan sa pamilya, pagmamahalan, pag-unawa, at paggalang sa pagitan ng magulang at anak.
Pinangunahan ng Sabangan Municipal Police Station (MPS), sa pamumuno ni PCpt Joseph F. Palking, ACOP, ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Sabangan PNP Pensioners Association, Population Development (PopDev)–Mountain Province, PAGPTD–Mountain Province, Namatec Barangay Local Government Unit, Sangguniang Bayan–Namatec, gayundin ng mga magulang at tagapag-alaga. Hinikayat ng mga tagapagpadaloy, guro, at magulang ang mga kabataan na pahalagahan ang edukasyon, umiwas sa bisyo, maging responsable sa kanilang mga desisyon, at patatagin ang ugnayan sa pamilya.

Binigyang-diin ng Sabangan MPS na ang tungkulin ng kapulisan ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan, kundi maging sa paggabay at paghubog sa kabataan bilang responsableng mamamayan at mga susunod na lider ng bansa. Sa pamamagitan ng MYPD at iba pang programang pangkomunidad, patuloy na pinagtitibay ng kapulisan ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang itaguyod ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.
Source: Mountain Province PPO (https://www.facebook.com/share/p/1QSYwpTeUP/)