Outreach activity para sa katutubong komunidad sa Sto. Domingo, Albay, matagumpay na isinagawa

0
viber_image_2026-11-25_10-07-26-778

Matagumpay na naisakatuparan ang isang outreach activity para sa Indigenous Peoples (IP) Community sa Barangay San Andres, Sto. Domingo, Albay noong Nobyembre 22, 2026, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ilang mga ahensya ng pamahalaan at mga stakeholders.

Pinangunahan ang aktibidad ni Ma’am Maribel Consuelo, katuwang ang Sto. Domingo Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PMAJ Darwin S. Sevilla, Chief of Police, at mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Hon. Evelyn Banua, upang makatulong sa mga pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi ang grupo ng mga pangunahing kagamitan sa bahay, tsinelas at food packs sa mga miyembro ng katutubong komunidad.

Layunin ng pamamahagi na makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at maipadama ang kahalagahan ng pagtutulungan, pakikipagkapwa at pagkalinga, lalo na sa mga sektor na nangangailangan ng karagdagang suporta.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Sto. Domingo MPS kay Ma’am Maribel Consuelo sa kaniyang bukal-sa-loob na pagtulong at patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkomunidad. Binigyang-diin din ng kapulisan na ang mga ganitong gawain ay hindi lamang nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga benepisyaryo, kundi nagsisilbi ring paraan upang mapalalim ang tiwala, malasakit at pagkakaisa sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

Patuloy namang isinusulong ng Sto. Domingo PNP ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng komunidad, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *