Commando Brotherhood–Bataraza, PNP at PCG, katuwang sa isinagawang Feeding Activity sa Bataraza, Palawan
Tulon-tulong ang mga kasapi ng Commando Brotherhood–Bataraza katuwang ang Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa isinagawang Feeding Activity para sa mga kabataan ng Barangay Marangas, Bataraza, Palawan.
Ginanap ang aktibidad dakong alas 7:30 ng umaga sa Mini Gymnasium ng nasabing barangay sa pangunguna ng 1st Palawan Police Provincial Mobile Force Company kasama ang Philippine Coast Guard–Bataraza.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng grupo ng masustansiyang pagkain para sa lahat ng mga batang naging benepisyaryo ng programa.
Tiniyak naman ng grupo na hindi lang dito natatapos ang kanilang pagsasagawa ng parehong mga proyekto sapagkat aasahan ng publiko na magpapatuloy sila sa paglulunsad ng ganitong mga aktibidad para sa kapakanan ng buong komunidad.