Mag-aaral ng Maracurru Elementary School, nakiisa sa Symposium Activity
Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Maracurru Elementary School sa isinagawang symposium activity sa Barangay Maracurru, Enrile, Cagayan noong ika-14 ng Marso 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Enrile Police Station at tinalakay ng mga tagapagsalita ang mga masasamang epekto ng iligal na droga, preventive measures against rape, anti-bullying at road safety tips.


Layunin ng aktibidad na bumuo ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno, paaralan at komunidad sa pamamagitan ng Project “TRUST” (To Render Unity and a safer community Through Lectures and Seminars) upang mapanatili ang isang komunidad na produktibo, mapayapa, at progresibo.
Ito ay patuloy na isinasagawa upang maghatid ng tamang impormasyon tungkol sa mga panganib na dulot ng iligal na droga at iba pang krimen para maprotektahan ang mga kabataan at magkaroon ng ligtas at mapayapang bagong Pilipinas.