Brigada Eskwela 2025, nilahukan ng mga Kapulisan ng Brookespoints Palawan
Matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela 2025 na may Temang: “Sama-Sama para sa Bayang Bumabasa” sa Tagusao Shore Elementary School, sa Sitio Tagusao, Barangay Barong-Barong, Brooke’s Point, Palawan nito lamang ika-11 ng Hunyo 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pamumuno ni Ms. Jurra S. Taha, school head. Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa DepEd order 24 2008 na kilala bilang institutionalization ng Brigada Eskwela Program o National School Maintenance Week, (NSMW) kung saan aktibong nakikilahok ang mga tauhan ng Brooke’s Point MPS sa pangunguna ni PSMS Arlene A Favilonia, Admin PNCO.
Layunin nito na pagtibayin ang bayanihan at pagkakaisa ng pamayanan at kapulisan sa paghahanda ng mga paaralan para sa ligtas, maayos, at handang pagbubukas ng klase. Sa pamamagitan nito mas magiging maaliwalas at komportable ang mga mag-aaral para sa kanilang maayos na pagkatuto sa araw-araw.
Source: PCR Brookespoint