Relief goods , ipinamahagi ng mga awtoridad sa mga apektado ni Bagyong Ada

0
viber_image_2026-01-18_14-14-25-907

Matagumpay na namahagi ng mga relief goods ang mga awtoridad sa mga evacuees na apektado ni Bagyong Ada sa bayan ng Biliran nito lamang January 17, 2026.

Kabilang sa grupong nagpaabot ng mga relief goods ang mga tauhan ng Biliran Provincial Mobile Force Company (BPMFC), sa pamamagitan ni PCpl Presco Adorable; mga tauhan ng Biliran Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Biliran Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at ang Local Government Unit ng Biliran.

Pinuntahan ng grupo ang iba’t ibang mga evacuation centers ng lungsod habang patuloy pa ring nananalasa si Bagyong Ada sa Eastern Visayas maging ng ilang bahagi ng Luzon at Mindanao.

Patuloy namang pinag-iingat ng mga awtoridad ang publiko lalo na sa pagbyahe sa pamamagitan ng barko habang patuloy pa ring nagdadala ng sama ng panahon si Bagyong Ada sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *