Bulacan PNP, tumulong sa pamamahagi ng Relief Goods

0
797b1a86-7fe4-4dc0-bc82-c5440ff00af4

Tumulong sa pamamahagi ng relief goods, nagbigay ng police assistance at seguridad ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office sa Barangay Malis, Guiguinto, Bulacan nito lamang Agosto 11, 2026.

Nanguna sina Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, kasama sina Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alexis C. Castro sa pagdadala ng tulong at pag-asa sa mga residenteng lubhang apektado ng Habagat.

Aktibong lumahok at tumulong ang kapulisan sa maayos na pamamahagi ng relief goods at pamamahagi ng food packs galing sa pamahalaan. 

Tiniyak ng Bulacan PNP ang kaayusan at seguridad sa buong aktibidad upang masigurong ligtas at maayos ang daloy ng distribusyon. Higit pang pinapatunayan ng Bulacan PNP ang kanilang taos-pusong paglilingkod para sa kapayapaan, kaayusan, at pagtulong sa komunidad, lalo na sa oras ng pangangailangan na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *