Science City of Muñoz Police Station at BPATs, pinaiigting ang pagtutulungan para palakasin ang seguridad sa lungsod
Pinaiigting ng Science City of Muñoz Police Station, sa pangunguna ni PLtCol Jackyll I. Bilibili, Officer-in-Charge, ang pakikipagtulungan sa mga barangay sa pamamagitan ng Cascading of the Joint Police, BPATs Mobilization (JBM) Patrol System na isinagawa noong Agosto 10, 2026. Layunin nitong higit na palakasin ang ugnayan ng PNP at komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Dumalo sa aktibidad ang mga barangay chairperson at Chiefs of Tanod mula sa lahat ng barangay ng Science City of Muñoz, kasama ang mga kinatawan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), lokal na pamahalaan, Liga ng mga Barangay, at iba pang katuwang na tanggapan.
Sa ilalim ng JBM Patrol System, aktibong pinakikilos ang mga tauhan ng PNP at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) upang palakasin ang police visibility, crime prevention and detection, mabilis na pagtugon sa mga insidente, at community-based peacekeeping.
Sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng PNP, barangay officials, BPATs at mamamayan, mas mabilis at epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa bawat barangay ng Science City of Muñoz.
Source: Munoz City PS (https://www.facebook.com/share/p/1BdvXJSnxy/)