TESDA-Abra nagsagawa ng Livelihood Program

Nag-organisa ng livelihood program ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)- Abra sa Abra Sports Complex, Zone 3, Bangued, Abra nito lamang Setyembre 11, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Bangued PNP sa tulong ng mga kawani ng TESDA na nilahukan naman ng mga residente sa naturang lugar.

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay kaalaman sa paggawa ng liquid soap na kanilang tinawag na “Do It Yourself-Diswashing Liquid Making” handog ng mga tauhan ng TESDA-Abra.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay kaalamang pangkabuhayan sa mga residente upang matulungan kumita sa sariling kasanayan sa paglikha ng kanilang natutunan sa aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *