KKDAT-Gimalas Chapter nakiisa sa Information Drive ng Balayan PNP

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Gimalas Chapter sa isinagawang Information Drive sa Brgy. Gimalas, Balayan, Batangas nito lamang ika-9 ng Oktubre, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolman John Paolo Panganiban, sa direktang superbisyon ni Police Major Domingo Ballesteros, Jr, Acting Chief of Police ng Balayan Municipal Police Station.

Masayang tinanggap ng mga kabataan ang flyers at nakinig ng mabuti sa itinalakay patungkol sa Drug Awareness Information Drive, RA 8353- Anti Rape Law, RA 9262 VAWC, Awareness on Anti-illegal Drugs and Illegal Gambling Activities, Basag-Kotse, Akyat-Bahay, Anti- Terrorism Awareness, Information and Dissemination on PNP Recruitment Program, Child Welfare Act at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa Police Managing Operation at E.O 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict NTF-ELCAC.

Layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang mga kabataan sa mga batas na may kinalaman sa krimen, droga at insurhensya para makaiwas silang maging biktima at magkaroon ng ligtas, tahimik at maayos na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *