Samahang Ilokano at KKDAT, nakiisa sa Clean-up Drive Activity

Nakiisa ang mga mga myembro ng Samahang Ilokano at Kabaatan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Clean-up Drive Activity sa kahabaan ng Brgy. Centro, Amulung, Cagayan noong Oktubre 8, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Amulung Police Station kasama ang mga barangay officials at mga aktibong residente ng nasabing lugar.

Nagtulong-tulong na nilinis, binunot at tinabas ang mga malalago at makakapal na damo sa kahabaan ng naturang barangay.

Layunin nitong panatilihin ang kalinisan upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng maduming kapaligiran at hikayatin ang bawat isa na magkaroon ng disiplina sa sarili at maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Source: Amulung PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *