Mangrove Tree Planting isinagawa ng LGU-Lebak
Lebak, Sultan Kudarat – Nagsagawa ng Mangrove Tree Planting Activity ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Lebak sa Brgy. Tanguisa, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang ika-25 ng Pebrero, 2023.
Pinangunahan ng Lebak LGU ang naturang aktibidad katuwang ang PNP Maritime Group at Philippine Coast Guard.
Mahigit 1,000 na mangrove seedlings ang naitanim sa naturang aktibidad.
Buwanang isinasagawa ang pagtatanim upang maibalik sa dati ang nasirang bakawanan na nagsisilbing proteksiyon sa baybayin at mapanumbalik ang marine ecosystem bilang bahagi ng adbokasiya laban sa climate change.
Nais iparating Lebak ang pagpapahalaga ng kalinisan ng dalampasigan at pangangala ng mga yamang-dagat na pinagkukuhanan ng mga pagkain at kabuhayan.