Nationwide Simultaneous Clean-up Day, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Biliran

0
0-02-06-98444e5f00fdf8f1dbc4d22825faa2554cda98a894addcce2f0ba4fa4e4be1b7_d855e525e64f6c82

Matagumpay na isinagawa ng mga Advocacy Support Groups at kapulisan ang Nationwide Simultaneous Clean-up Day sa buong lalawigan ng Biliran noong Enero 6, 2024.

Ito ay nilahukan ng mga Barangay Officials, non-Government Organizations, Local Government Unit, mga tauhan ng Biliran Police Provincial Office, BJMP, iba’t ibang ahensya at stakeholders.

Ang programa ay naaayon sa DILG‘s KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) program.

Layunin nito na pagsama-samahin ang lahat ng pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili at magbigay ng malusog at ligtas na kapaligiran para sa lahat sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga Local Government Units at partisipasyon na nakaangkla sa tradisyon ng “Bayanihan”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *