Guardians Philippines, nakilahok sa talakayan ng CURAO RMFB 4A at RPCADU 4A
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Guardians sa isinagawang Lecture Symposium na ginanap sa Purok 7, Brgy. San Cristobal, Calamba City, Laguna nito lamang ika-28 ng Enero 2024.
Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng mga personahe ng CURAO, RMFB 4A sa pamumuno ni Police Senior Master Sergeant Josielyn R Razon, Force Commander at RPCADU 4A sa pamumuno naman ni Police Colonel Meldrid E Patam, Chief.
Itinuro sa mga miyembro ng Guardians ang tamang kaalaman sa patungkol sa EO 70 (NTF-ELCAC), Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), Drug Awareness, R.A 11313 (Safe Spaces Act) at Crime Prevention Tips.
Layunin ng aktibidad na maturuan ang mga miyembro ng Guardians ng mga bagong kaalaman na kanilang magagamit bilang Force Multipliers ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.