Faith-Based Advocacy Group, nakilahok sa Community Outreach Program sa Tigbauan Iloilo
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng faith-based advocacy support sa community outreach program na ginanap sa Brgy Danao, Tigbauan, Iloilo nito lamang ika-2 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad pinangunahan ng mga kawani ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company katuwang ang Tigbauan Municipal Police Station, Pastor Anecito Villanueva, isang Faith-based leader, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Municipal Environment and Natural Resources Office, Task Force Kalikasan, SB Boboy Sayson, at ang mga opisyal ng barangay
Mahigit sa dalawampung (20) benepisyaryo ang nakatanggap ng grocery pack, kasunod nito ang libreng gupit sa mahigit labing-limang (15) katao.
Ang naturang outreach program ay isang patunay ng pagsasama-sama ng mga sektor ng lipunan sa layuning magbigay ng tulong at serbisyo sa mga nangangailangan at patuloy na nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga mamamayan ng Tigbauan Iloilo.