KKDAT, nakilahok sa Palugaw ng Pulis sa Eastern Samar

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Palugaw Ng Pulis na ginanap sa Hindang Elementary School, Borongan City, Eastern Samar nito lamang Huwebes ika-1 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Eastern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni PLtCol Rommel N Cesista, Chief Provincial Community Affairs and Development Unit ng ESPPO, kasama ang personahe ng Eastern Samar Medical at Dental Team, HPG, at Scene of the Crime Operatives.

Namahagi ng mainit na lugaw ang grupo upang mabigyan ng ngiti ang mahigit kumulang 148 na estudyante ng nasabing paaralan.

Ang KKDAT ay nakiisa sa adhikain ng ating gobyerno na magbigay ng libreng serbisyong publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *