LGU Kalamansig, Sultan Kudarat, nagsagawa ng Community Outreach Program
Nagsagawa ng Outreach Program ang Local na Pamahalaan ng Kalamansig sa Barangay Sabanal, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-20 ng Mayo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Kalamansig katuwang ang kapulisan ng Kalamansig Municipal Police Station at Armed Forces of the Philippines na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.
Ang nasabing aktibidad ay nagbigay ng libreng gupit, pagkain at medical assistance sa residente ng nasabing lugar at humigit kumulang 300 na benepisyaryo ang nakatanggap ng serbisyo.
Patuloy ang ating Pamahalaan sa pagbibigay ng tulong para sa ating mga kababayang nasa liblib na lugar alinsunod sa derektiba ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na Bagong Pilipinas.