Tree Planting Activity, nilahukan ng Force Multipliers sa Eastern Samar

Nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Nato, Taft, Eastern Samar nito lamang Martes, ika-5 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga barangay officials sa pangunguna ni Hon. Erlinda Chicano Munar, Punong Barangay kasama ang mga tauhan ng Taft Municipal Police Station sa pamumuno ni PCpt Angelyn Glou A Cortado, Acting Chief of Police.

Ang aktibidad ay kaugnay sa World Environment Day na ipinagdiriwang tuwing ika-5 ng Hunyo upang hikayatin ang kamalayan at pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran.

Patuloy naman ang mga Force Multipliers sa pagsuporta sa mga ganitong aktibidad upang mahikayat ang publiko na makiisa sa mga programa ng pamahalaan para mapangalagaan, mapanatili at maging bahagi sila ng pangangalaga sa kalikasan.

Panulat ni Sherie-ann Masi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *