Jaime Ongpin Jr Incorporated, nagsagawa ng Community Outreach

Matagumpay na isinagawa ang Community Outreach Program ng Jaime Ongpin Jr. Foundation Incorporated sa Datu Panguluhan Elementary School, Barangay La Paz, Zamboanga City nito lamang ika-21 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Jaime Ongpin Jr. Foundation Incorporated katuwang ang Zamboanga City Police Station 9-Ayala.

Naghatid ng serbisyong pampubliko ang naturang aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bigas, delata at iba pang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Layunin ng aktibidad na bigyang malasakit ang mga mamamayan at iparamdam ang pagmamahal ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang PNP para sa umaangat na bansa tungo sa pagbabago para makamit ang maunlad na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *