Advocacy Support Group, nakiisa sa talakayan sa Ilocos Sur

Nakiisa ang mga kasapi ng Advocacy Support Group sa isinagawang talakayan ng mga tauhan ng Narvacan Municipal Police Station sa Brgy. San Antonio, Narvacan Ilocos Sur nito lamang Martes, Setyembre 17, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunuhan ni Police Major Alexander John C Dangli, Chief of Police katuwang ang Baragay Officials ng nasabing barangay.

Tinalakay ang paksa hinggil sa R.A. 9262 (Violence Against Women and their Children, (VAWC), R.A. 8353 (Anti-RAPE Law of 1997), R.A. 11313 (Safe Spaces Act), R.A. 7610 (Child Abuse), 8 Focus Crime, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict NTF-ELCAC or E.O #70.

Layunin nitong mapanatili ang kaligtasan sa nasabing barangay at madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga batas, krimen, insurhensya at karapatan para maiwasan na maging biktima ng karahasan at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *