Advocacy Support Group, nakiisa sa proyektong “Gulayan sa Barangay” at Clean-up Drive sa Aurora
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Guardians Republican International Inc sa proyektong “Gulayan sa Barangay” at Clean-Up Drive na naganap sa Brgy. Baubo, Maria Aurora, Aurora nito lamang Sabado, ika- 21 ng Setyembre, 2024. Sa ilalim ng programang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB), pinangunahan ng R-PSB Team na pinamumunuan ni Police Captain Ronald C. Baroma, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jun S. Dela Cruz, Acting Force Commander, ang naturang aktibidad sa pakikipagtulungan din ng Barangay Officials at SK Federation.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong tiyakin ang patuloy na produksyon ng sariwang pagkain sa komunidad, na magbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga residente.
Bukod sa pagtatanim, sama-sama ding naglinis ang mga kalahok at nagdulot ng positibong epekto at nagpalakas ng kamalayan ukol sa kahalagahan ng malinis at ligtas na pamayanan.
Ang ganitong mga hakbang ay mahalaga upang mapanatili ang kalikasan at maisulong ang disiplina sa pagkakaroon ng mas maayos na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.