BIN Refresher Seminar para sa mga BPATs, isinagawa sa Cebu City bilang bahagi sa paghahanda sa ASEAN Summit 2026

0
viber_image_2026-04-18_12-05-32-465

Nagsagawa ang Cebu City Police Office (CCPO), sa pamumuno ni PCOL George V Ylanan, ng Barangay Intelligence Network (BIN) Refresher Seminar noong Abril 15, 2026 sa Cebu City Sports Center na dinaluhan ng mga barangay intelligence volunteers at mga kasapi ng BPAT’s (Barangay Peacekeeping Action Teams).

Pinangunahan ang aktibidad ng City Intelligence Unit sa ilalim ni PLTCOL Jerrold Jake Manguerra bilang bahagi ng pinaigting na paghahanda ng CCPO para sa nalalapit na ASEAN Summit 2026.

Dumalo rin sa seminar si Hon. Pablo Labra II na nagpahayag ng buong suporta sa pagpapalakas ng grassroots intelligence initiatives sa komunidad.

Sa mga talakayan, binigyang-diin ng mga resource speaker ang mahalagang papel ng BIN at BPAT’s bilang “mata at tainga” ng Philippine National Police sa pagbibigay ng napapanahong impormasyon, pag-iwas sa krimen, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Layunin din ng refresher seminar na higit pang mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng kapulisan, mga barangay intelligence volunteers, at BPAT’s upang makabuo ng mas mabilis at epektibong information network na susuporta sa mga operasyon para sa kaligtasan ng publiko.

Nanatiling matatag ang CCPO sa pagpapatupad ng proaktibong polisiya at pagpapaigting ng ugnayan sa komunidad upang matiyak ang ligtas at mapayapang Cebu City, lalo na sa paghahanda sa mga malalaking internasyonal na kaganapan tulad ng ASEAN Summit 2026.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *