Information drive nilahukan ng Boys at Girls Scout sa Marikina City

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Boys at Girls Scout ng Marikina High School, Barangay Concepcion Uno sa Marikina City ang isinagawang information drive ng kapulisan nito lamang Lunes, Pebrero 20, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB.

Nagsagawa ng pagtuturo kaugnay sa KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan sa Pamayanan) para mapalakas ang ugnayan ng mga kapulisan, mga simbahan at ng mamamayan.

Binigyang diin naman ang mga sanhi at epekto ng ilegal na droga sa mga kabataan. Tinalakay din ang tungkol sa Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT).

Layunin ng aktibidad na ipamulat sa mga kabataan ang masamang naidudulot ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at ang epekto ng pagsali sa mga makakaliwang grupo na maaaring makasira sa kanilang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *