Feeding Program isinagawa ng Eagle Force Multipliers sa Taguig City

Pinilahan ng mga kabataan ang isinagawang feeding program ng Advocacy Support Group na Eagle Force Multipliers na ginanap sa Alrich Ville, Barangay Napindan, Taguig City nito lamang Martes, Pebrero 21, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng 6th Mobile Force Company ng NCRPO.

Naglalayon ang programang ito ng grupo na matulungan ang mga kabataan sa kanilang kalusugan, mapunan ang malnutrisyon at mapalakas ang kanilang resistensya at mailayo sa anumang uri ng karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *